Mga Tulong sa Pag-aaral
Moroni, Anak ni Mormon


Moroni, Anak ni Mormon

Ang huling propetang Nephita sa Aklat ni Mormon (mga A.D. 421). Bago namatay si Mormon, ibinigay niya ang isang talaan ng kasaysayan na tinawag na mga lamina ni Mormon sa kanyang anak na si Moroni (S ni M 1:1). Tinapos ni Moroni ang pagtipon ng mga lamina ni Mormon. Idinagdag niya ang mga kabanata 8 at 9 sa aklat ni Mormon (Morm. 8:1). Kanyang pinaikli at isinama ang aklat ni Eter (Eter 1:1–2) at idinagdag ang kanyang sariling aklat na tinawag na aklat ni Moroni (Moro. 1:1–4). Mahigpit na isinara ni Moroni ang mga lamina at itinago ang mga ito sa burol ng Cumorah (Morm. 8:14; Moro. 10:2). Noong 1823 si Moroni ay isinugo bilang isang nabuhay na mag-uling tao upang ihayag ang Aklat ni Mormon kay Joseph Smith (JS—K 1:30–42, 45; D at T 27:5). Tinagubilinan niya ang batang propeta bawat taon mula 1823 hanggang 1827 (JS—K 1:54) at sa dakong huli ay ibinigay ang mga lamina sa kanya noong 1827 (JS—K 1:59). Nang matapos ang pagsasalin ay ibinalik ni Joseph Smith ang mga lamina kay Moroni.

Ang aklat ni Moroni

Ang huling aklat sa Aklat ni Mormon. Ito ay isinulat ng huling propetang Nephita, na si Moroni. Nasasaad sa mga kabanata 1–3 ang tuluyang pagkalipol ng mga Nephita, na nagbibigay ng tagubilin sa paggagawad ng Banal na Espiritu at ng pagkasaserdote. Inilahad sa mga kabanata 4–6 ang wastong pamamaraan ng pangangasiwa ng sakramento. Binuod sa kabanata 6 ang gawain ng Simbahan. Sa mga kabanata 7–8 ang mga pangaral tungkol sa unang alituntunin ng ebanghelyo, kabilang na ang mga turo ni Mormon tungkol sa pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig sa kapwa-tao at kung paano ang paraan ng paghusga ng mabuti sa masama (Moro. 7), at ang paliwanag din ni Mormon na ang mga bata ay buhay kay Cristo at hindi nangangailangan ng binyag (Moro. 8). Inilarawan sa kabanata 9 ang kasamaan ng bayang Nephita. Ang kabanata 10 ay huling pahatid ni Moroni at isinama ang paraan upang malaman ang katotohanan ng Aklat ni Mormon (Moro. 10:3–5).