Hatol, Paghatol Tingnan din sa Jesucristo—Hukom; Kaparusahan, Parurusahan; Paghuhukom, Ang Huling Ang suriin ang pag-uugali kaugnay ng mga alituntunin ng ebanghelyo; upang magpasiya; upang malaman ang mabuti sa masama. Si Moises ay umupo upang hatulan ang mga tao, Ex. 18:13. Sa katwiran hatulan ninyo ang inyong kapwa, Lev. 19:15. Huwag manghatol nang hindi kayo hatulan, Mat. 7:1 (PJS, Mat. 7:1–2; Lu. 6:37; 3 Ne. 14:1). Kasindami ng nagkasala sa ilalim ng batas ay sa batas din hahatulan, Rom. 2:12. Hahatulan ng mga banal ang sanlibutan, 1 Cor. 6:2–3. Ang Anak ng Diyos na walang hanggan ay hinatulan ng sanlibutan, 1 Ne. 11:32. Ang Labindalawang Apostol ng Kordero ang mga yaong hahatol sa labindalawang lipi ni Israel, 1 Ne. 12:9 (D at T 29:12). Ang kamatayan, impiyerno, ang diyablo at lahat ng yaong nahawakan niyon ay tiyak na hahatulan, 2 Ne. 28:23 (1 Ne. 15:33). Kung hahatulan ninyo ang taong humihingi sa inyo ng inyong kabuhayan, gaano higit na makatarungan ang inyong kahatulan dahil sa pagkakait ninyo ng inyong kabuhayan, Mos. 4:22. Ang mga tao ay nararapat na hatulan alinsunod sa kanilang mga gawa, Alma 41:3. Humatol nang makatwiran, at ang katarungan ay manunumbalik sa iyong muli, Alma 41:14. Mula sa mga aklat na isusulat ay hahatulan ang sanlibutan, 3 Ne. 27:23–26 (Apoc. 20:12). Ang labi ng mga taong ito ay hahatulan ng labindalawang pinili ni Jesus sa lupaing ito, Morm. 3:18–20. Ipinaliwanag ni Mormon ang paraan ng paghatol ng mabuti sa masama, Moro. 7:14–18. Magtiwala ka sa Espiritung yaon na nag-aakay sa paghatol nang matwid, D at T 11:12. Nararapat ninyong sabihin sa inyong mga puso—ang Diyos ang hahatol sa akin at sa iyo, D at T 64:11. Ang Simbahan ng Panginoon ang maghuhukom sa mga bansa, D at T 64:37–38. Dinalaw ng Anak ang mga espiritu sa bilangguan upang sila ay mahatulan alinsunod sa mga tao sa laman, D at T 76:73 (1 Ped. 4:6). Ang obispo ay magiging pangkalahatang hukom, D at T 107:72–74. Ang Panginoon ang hahatol sa lahat ng tao alinsunod sa kanilang mga gawa, alinsunod sa pagnanais ng kanilang mga puso, D at T 137:9.