Lumakad, Lumakad na Kasama ng Diyos Tingnan din sa Daan; Matwid, Katwiran; Pagsunod, Masunurin, Sumunod Ang mamuhay nang naaayon sa mga turo ng Diyos at mamuhay na katulad ng nais ng Diyos; maging handa at masunurin sa mga hikayat ng Espiritu Santo. Upang aking masubok sila, kung sila’y lalakad ayon sa aking kautusan o hindi, Ex. 16:4. Hindi pagkakaitan ng anumang mabuting bagay sila na lumalakad nang matwid, Awit 84:11. Yaong mga nagsisilakad sa aking mga batas at gaganap sa aking mga ordenansa ay magiging aking bayan, Ez. 11:20–21 (Deut. 8:6). Ano ang hinihingi ng Panginoon sa inyo, kundi lumakad nang may kababaan na kasama ng Diyos? Mi. 6:8 (D at T 11:12). Lumakad sa liwanag, na tulad ng Diyos na nasa liwanag, 1 Juan 1:7 (2 Juan 1:6; 4 Ne. 1:12; 3 Juan 1:4). Lumakad sa makipot na landas na patungo sa buhay, 2 Ne. 33:9. Si Haring Benjamin ay lumakad nang may malinis na budhi sa harapan ng Diyos, Mos. 2:27. Tungkulin ninyo ang lumakad nang walang sala alinsunod sa banal na orden ng Diyos, Alma 7:22. Ang mga kasapi ng Simbahan ay magpapakita ng makadiyos na paglakad at pakikipag-usap, D at T 20:69. Sundin ang propeta at lumakad nang buong kabanalan sa harapan ng Panginoon, D at T 21:4. Turuan ang mga anak na manalangin at magsilakad nang matwid sa harapan ng Panginoon, D at T 68:28. Mananahan sa akin, at ako sa iyo; kaya nga lumakad kang kasama ko, Moi. 6:34.