Mga Tulong sa Pag-aaral
Betel


Betel

Sa Hebreo, nangangahulugang “tahanan ng Diyos” at isa sa pinakabanal na lugar sa Israel. Ito ay matatagpuan mga 16 kilometro sa hilaga ng Jerusalem. Dito nagtayo si Abraham ng kanyang dambana sa panahon ng una niyang pagdating sa Canaan (Gen. 12:8; 13:3). Dito nakita ni Jacob sa isang pangitain ang isang hagdang humahanggan sa langit (Gen. 28:10–19). Ito rin ay isang banal na lugar noong kapanahunan ni Samuel (1 Sam. 7:16; 10:3).