Tulad ng pagkakagamit sa mga banal na kasulatan, kung minsan ay isang naririnig na pahatid na winika ng Panginoon o ng kanyang mga sugo. Ang tinig ng Espiritu ay maaari ring hindi marinig at tuwirang iparating sa puso o isipan.
Sinusunod ng mabubuti ang tinig ng Mabuting Pastol, Juan 10:1–16 .
Ang bawat isa na nasa katotohanan ay nakikinig ng aking tinig, Juan 18:37 .
Sinunod ko ang tinig ng Espiritu, 1 Ne. 4:6–18 .
At doon nangusap ang isang tinig sa akin, sinasabing: Enos, ang iyong mga kasalanan ay pinatatawad na, Enos 1:5 .
Ito ay isang marahang tinig na may ganap na kahinahunan at tumagos maging sa buong kaluluwa, Hel. 5:29–33 (3 Ne. 11:3–7 ).
Maging sa pamamagitan ng sarili kong tinig o sa tinig man ng aking mga tagapaglingkod, ito ay iisa, D at T 1:38 .
Anuman ang kanilang sabihin kapag binigyan-inspirasyon ng Espiritu Santo ay magiging tinig ng Panginoon, D at T 68:2–4 .
Bawat kaluluwang susunod sa aking tinig ay makikita ang aking mukha at malalaman na ako nga, D at T 93:1 .