Mga Tulong sa Pag-aaral
Simbahan, Pangalan ng


Simbahan, Pangalan ng

Sa Aklat ni Mormon, nang dalawin ni Jesucristo ang mabubuting Nephita pagkatapos ng kanyang pagkabuhay na mag-uli, sinabi niya na nararapat dalhin ng kanyang simbahan ang pangalan niya (3 Ne. 27:3–8). Ngayong makabagong panahon ipinahayag ng Panginoon na ang pangalan ng Simbahan ay “Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw” (D at T 115:4).