Mga Tulong sa Pag-aaral
Kautusan, Ang Sampung


Kautusan, Ang Sampung

Sampung batas na ibinigay ng Diyos sa pamamagitan ng propetang si Moises upang pamahalaan ang pag-aasal.

Ang “Sampung Salita” ang pangalang Hebreo nito. Ang mga ito ay tinatawag ding Tipan (Deut. 9:9) o ang Patotoo (Ex. 25:21; 32:15). Ang pagbibigay ng Diyos ng Sampung Kautusan kay Moises, at mula sa kanya patungo sa Israel, ay inilalarawan sa Ex. 19:9–20:23; 32:15–19; 34:1. Nauukit ang mga kautusang ito sa dalawang tapyas na bato, na inilagay sa Kaban; kaya nga’t ang Kaban ay tinawag na Kaban ng Tipan (Blg. 10:33). Ang Panginoon, sa pagbanggit sa Deut. 6:4–5 at Lev. 19:18, ay binuod ang Sampung Kautusan sa “dalawang dakilang kautusan” (Mat. 22:37–39).

Inulit ang Sampung Kautusan ng paghahayag sa huling araw (Mos. 12:32–37; 13:12–24; D at T 42:18–28; 59:5–13; PJS, Ex. 34:1–2).