Mga Tulong sa Pag-aaral
Istaka


Istaka

Isa sa samahan at pinamamahalaang yunit ng Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Ang isang istaka ay binubuo ng maraming purok o sangay. Kadalasan, ito’y may mga inilagay na heograpiyang hangganan at tumutulad sa larawan ng toldang inilarawan sa Isaias 54:2: “Habaan mo ang iyong mga lubid, at patibayin mo ang iyong mga istaka.” Ang bawat istaka ng Sion ay umaalalay at tumutulong sa pagtaguyod sa Simbahan sa pamamaraan na ang isang tolda o tabernakulo ay itinataguyod ng mga istaka nito. Ang istaka ang pook ng pagtitipun-tipon para sa mga labi ng nakakalat na Israelita (D at T 82:13–14; 101:17–21).