Mga Tulong sa Pag-aaral
Saduceo, Mga


Saduceo, Mga

Isang maliit subalit makapangyarihang partidong pampulitika o kasta sa gitna ng mga Judio. Kilalang-kilala marahil sila dahil sa kanilang mahigpit na paniniwala sa pagsunod sa sulat ng mga batas ni Moises at sa pagtanggi sa katotohanan ng mga espiritu at anghel at gayon din ng mga doktrina ng pagkabuhay na mag-uli at buhay na walang hanggan (Mar. 12:18–27; Gawa 4:1–3; 23:7–8).