Mga Tulong sa Pag-aaral
Isaias


Isaias

Isang propeta sa Lumang Tipan na nagpropesiya mula 740–701 B.C. Bilang punong tagapagpayo ni Haring Hezekias, may malakas na impluho si Isaias sa relihiyon at pulitika.

Binanggit ni Jesus si Isaias ng maraming ulit kaysa sa pagbanggit sa iba pang propeta. Madalas ding banggitin si Isaias nina Pedro, Juan, at Pablo sa Bagong Tipan. Naglalaman ang Aklat ni Mormon at ang Doktrina at mga Tipan ng maraming sipi mula sa Isaias kaysa sa ibang mga propeta at naglalaan ng labis na tulong sa pagpapaliwanag ng Isaias. Tinuruan ni Nephi ang kanyang mga tao mula sa mga isinulat ni Isaias (2 Ne. 12–24; Is. 2–14). Sinabi ng Panginoon sa mga Nephita na “dakila ang mga salita ni Isaias” at ang lahat ng bagay na ipinopropesiya ni Isaias ay matutupad (3 Ne. 23:1–3).

Ang aklat ni Isaias

Isang aklat sa Lumang Tipan. Nauugnay ang maraming propesiya ni Isaias sa pagparito ng Manunubos, kapwa sa kanyang pagmiministeryo sa mundo (Is. 9:6) at bilang Dakilang Hari sa huling araw (Is. 63). Marami rin siyang ipinopropesiya hinggil sa darating na panahon ng Israel.

Ang kabanata 1 ay isang paunang salita sa iba pang bahagi ng aklat. Ipinauna ang misyon ng Tagapagligtas sa Isaias 7:14; 9:6–7; 11:1–5; 53:1–12; at 61:1–3. Ang mga kabanata 2, 11, 12, at 35 ay may kaugnayan sa mga pangyayari sa mga huling araw, kapag napanumbalik na ang ebanghelyo, titipunin ang Israel, at mamumulaklak ang nanunuyong lupa katulad ng rosas. Naglalaman ang kabanata 29 ng propesiya sa paglabas ng Aklat ni Mormon (2 Ne. 27). Inihahahayag sa mga kabanata 40–46 ang kahigtan ni Jehova bilang tunay na Diyos sa mga diyus-diyusan ng mga sumasambang pagano. Nauugnay ang mga natitirang kabanata 47–66, sa mga pangyayari sa kahuli-hulihang panunumbalik ng Israel at ang pagtatatag ng Sion, na kasamang mananahanan ang Panginoon sa kanyang mga tao.