Isang sagisag ng pananalita. Pigilan ng mga Banal ang kanilang mga dila, ibig sabihin na pigilan nila ang kanilang pagsasalita. Tumutukoy rin ang dila sa mga wika at tao. Sa katapusan, ang bawat tuhod ay luluhod at ang bawat dila ay magtatapat sa Diyos (Is. 45:23 ; Rom. 14:11 ).
Ingatan mo ang iyong dila mula sa masama, Awit 34:13 (1Â Ped. 3:10 ).
Sinumang nag-iingat ng kanyang bibig at ng kanyang dila, nag-iingat ng kanyang kaluluwa mula sa kabagabagan, Kaw. 21:23 .
Ang sinumang tao na hindi pinipigil ang kanyang dila, ang relihiyon ng taong ito ay walang kabuluhan, Sant. 1:26 .
Kung ang sinuman ay hindi natitisod sa salita, siya rin ay isang taong ganap, Sant. 3:1–13 .
Ipangangaral ang ebanghelyo sa lahat ng bansa, lahi, wika, at tao, Apoc. 14:6–7 (2 Ne. 26:13 ; Mos. 3:13, 20 ; D at T 88:103 ; 112:1 ).
Ang Panginoon ay nagtutulot sa lahat ng bansa, sa kanilang sariling bansa at wika, na ituro ang kanyang salita, Alma 29:8 .
Ipahahayag ang mga laminang ito sa lahat ng bansa, lahi, wika, at tao, Alma 37:4 .
Matamo ang aking salita, at pagkatapos ay kakalagan ang iyong dila, D at T 11:21 .
Bawat tao ay maririnig ang kabuuan ng ebanghelyo sa kanyang sariling wika, D at T 90:11 .