Mga Tulong sa Pag-aaral
Kasal, Pagpapakasal


Kasal, Pagpapakasal

Isang itinutulot ng batas na tipan o kasunduan sa pagitan ng isang lalaki at isang babae na nagtatakda sa kanila na maging mag-asawa. Ang Diyos ang nag-orden ng kasal (D at T 49:15).

Bago at walang hanggang tipan ng kasal

Ang kasal na ginaganap sa ilalim ng batas ng ebanghelyo at ng banal na pagkasaserdote ay para sa buhay na ito at para sa kawalang-hanggan. Ang mga karapat-dapat na lalaki at babae na nabuklod sa templo sa ilalim ng kasal ay maaaring magpatuloy bilang mag-asawa magpasawalang hanggan.

Pagpapakasal sa hindi kasampalataya

Kasal ng isang lalaki at babae na magkaiba ang paniniwala at mga kaugalian.

Maramihang pagpapakasal

Ang pagpapakasal ng isang lalaki sa dalawa o higit pang buhay na babae. Itinutulot ng batas na ang isang lalaki ay magkaroon lamang ng isang asawa, maliban kung iutos ng Panginoon sa pamamagitan ng paghahayag (Jac. 2:27–30). Sa pamamagitan ng paghahayag , ang maramihang pagpapakasal ay ginawa sa panahon ng Lumang Tipan at sa mga unang araw ng pinanumbalik na Simbahan sa tagubilin ng propeta na nagtataglay ng mga susi ng pagkasaserdote (D at T 132:34–40, 45). Hindi na ito ginagawa sa Simbahan (D at T OP—1); ngayon, ang pagkakaroon ng higit sa isang asawa ay salungat sa pagsapi sa Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.