Mga Tulong sa Pag-aaral
Tagakita


Tagakita

Isang taong pinahintulutan ng Diyos na makita sa pamamagitan ng mga matang espirituwal ang mga bagay na itinatago ng Diyos sa sanlibutan (Moi. 6:35–38). Isa siyang tagapaghayag at isang propeta (Mos. 8:13–16). Sa Aklat ni Mormon, itinuro ni Ammon na ang tagakita lamang ang makagagamit ng di karaniwang pansalin, o ang Urim at Tummim (Mos. 8:13; 28:16). Nalalaman ng isang tagakita ang nakalipas, kasalukuyan, at hinaharap. Noong una, madalas na tawaging tagakita ang isang propeta (1 Sam. 9:9; 2 Sam. 24:11).

Si Joseph Smith ang dakilang tagakita ng mga huling araw (D at T 21:1; 135:3). Bilang karagdagan, ang Unang Panguluhan at ang Kapulungan ng Labindalawa ay sinustena bilang mga propeta, tagakita, at tagapaghayag.