Saksi sa Aklat ni Mormon, Mga Tingnan din sa Aklat ni Mormon; Saksi Bukod kay Propetang Joseph Smith, ang Panginoon ay nag-utos sa iba pa upang magpatotoo sa kabanalan ng Aklat ni Mormon (D at T 17; 128:20). Tingnan ang mga patotoo ng mga saksing ito sa “Pambungad” sa unahan ng Aklat ni Mormon. Sa pamamagitan ng mga salita ng tatlo ay pagtitibayin ko ang aking salita, 2 Ne. 11:3. Magpapatotoo ang mga saksi sa kanyang salita sa mga anak ng tao, 2 Ne. 27:12–13. Sa bibig ng tatlong saksi ang mga bagay na ito ay mapagtitibay, Eter 5:4. Makikita ng Tatlong Saksi ang mga lamina sa pamamagitan ng pananampalataya, D at T 17.