Mga Tulong sa Pag-aaral
Unang Pangitain


Unang Pangitain

Ang pagpapakita ng Diyos Ama at ng kanyang Anak na si Jesucristo sa Propetang si Joseph Smith sa kakahuyan.

Noong sa tagsibol ng 1820, si Joseph Smith, Jr., ay nasa kanyang ikalabinlimang taon. Nakatira siyang kasama ang kanyang mag-anak sa bayan ng Palmyra, New York. Malapit sa kanlurang bahagi ng tahanan ng mag-anak ay isang kakahuyan ng malalaking puno. Sa pook ding ito nagtungo si Joseph upang manalangin sa Diyos upang malaman kung aling simbahan ang tama. Napukaw ang kanyang damdamin habang nagbabasa ng Biblia na kailangan niyang hanapin ang kasagutang yaon mula sa Diyos (Sant. 1:5–6). Bilang kasagutan sa kanyang panalangin, ang Ama at Anak ay nagpakita sa kanya at sinabi sa kanya na huwag sumali sa alinmang simbahang nasa lupa, sapagkat silang lahat ay mali (Joseph Smith—Kasaysayan 1:15–20). Ang banal na karanasang ito ang nagpasimula ng pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari na nagbunsod ng panunumbalik ng ebanghelyo at ng totoong Simbahan ni Cristo.