Mga Tulong sa Pag-aaral
Manna


Manna

Isang pino, manipis na pirasong pagkain na may lasa ng pulot-pukyutang biskuwit (Ex. 16:14–31) o ng sariwang langis (Blg. 11:8). Ang Panginoon ang nagkaloob nito upang pakainin ang mga anak ni Israel sa panahon ng kanilang apatnapung taon sa ilang (Ex. 16:4–5, 14–30, 35; Jos. 5:12; 1 Ne. 17:28).

Ang mga anak ni Israel ay tinawag itong manna (o man-hu sa Hebreo)—na ang ibig sabihin ay “Ano ito?”—dahil sa hindi nila alam kung ano iyon (Ex. 16:15). Tinawag din itong “pagkain ng mga angel” at “tinapay mula sa langit” (Awit 78:24–25; Juan 6:31). Ito ay sagisag para kay Cristo, na siyang magiging Tinapay ng Buhay (Juan 6:31–35).