Mga Tulong sa Pag-aaral
Patay na Dagat


Patay na Dagat

Ang dagat alat sa dulong bahagi ng katimugan ng Lambak ng Jordan. Ito rin ay kilalang Maalat na Dagat. Ang ibabaw nito ay humigit-kumulang sa 915 metro ang baba sa Dagat Mediteranea. Malapit sa mga dalampasigan nito ang mga lunsod ng Sodoma, Gomorra, at Zoar o Bela (Gen. 14:2–3).

Bilang katuparan ng propesiya at isa sa mga palatandaan ng ikalawang pagparito ng Tagapagligtas, ang mga tubig ng Patay na Dagat ay pagagalingin, at darami ang may buhay na kinapal doon (Ez. 47:8–9).