Mga Tulong sa Pag-aaral
Panganay


Panganay

Sa panahon ng mga naunang patriyarka, ang panganay na anak na lalaki ang tumatanggap ng pagkapanganay (Gen. 43:33) at sa gayon minamana ang pamumuno sa mag-anak sa pagkamatay ng ama. Kailangang maging karapat-dapat ang panganay upang makuha ang tungkuling ito (1 Cron. 5:1–2) at maaaring mawala ang kanyang pagkapanganay sa pamamagitan ng kasamaan.

Sa ilalim ng mga batas ni Moises, ang panganay na anak na lalaki ay ipinalalagay na pag-aari ng Diyos. Tumatanggap ang panganay ng dalawang bahagi ng pag-aari ng kanyang ama (Deut. 21:17). Pagkamatay ng kanyang ama, tungkulin niyang pangalagaan ang kanyang ina at mga kapatid na babae.

Pag-aari rin ng Diyos ang mga panganay na anak na lalaki ng mga hayop. Ginagamit ang malilinis na hayop para sa mga hain, samantalang ang maruruming hayop ay maaaring tubusin o ipagbili o patayin (Ex. 13:2, 11–13; 34:19–20; Lev. 27:11–13, 26–27).

Ang panganay ay sumasagisag kay Jesucristo at sa kanyang ministeryo sa lupa, pinaaalalahanan ang mga tao na ang dakilang Mesiyas ay paparito (Moi. 5:4–8; 6:63).

Si Jesus ang panganay sa mga espiritung anak ng ating Ama sa Langit, ang Bugtong na Anak ng Ama sa laman, at ang unang bumangon mula sa mga patay sa pagkabuhay na mag-uli (Col. 1:13–18). Magiging kasapi ang matatapat na Banal sa Simbahan ng Panganay sa kawalang-hanggan (D at T 93:21–22).