Malaya sa kasalanan o pag-uusig ng budhi; walang kasalanan. Nagiging dalisay ang isang tao kung ang kanyang mga pag-iisip at pagkilos ay malinis sa lahat ng bagay. Ang isang taong nagkasala ay maaaring maging dalisay sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo, pagsisisi, at pagtanggap ng mga ordenansa ng ebanghelyo.
Siya na may malilinis na kamay at may dalisay na puso ay tatanggap ng mga pagpapala ng Panginoon, Awit 24:3–5 .
Kayo’y magpakalinis, kayong nagdadala ng mga sisidlan ng Panginoon, Is. 52:11 (D at T 133:4–5 ).
Pinagpala ang may malilinis na puso, Mat. 5:8 (3Â Ne. 12:8 ).
Anumang bagay na malinis, ay isipin ninyo ang mga bagay na ito, Fil. 4:8 (S ng P 1:13 ).
Kayong lahat na may dalisay na puso, itaas ang inyong mga ulo at tanggapin ang kalugud-lugod na salita ng Diyos, Jac. 3:2–3 .
Kayo ba ay makatitingin sa Diyos sa araw na iyon na may dalisay na puso at malilinis na kamay? Alma 5:19 .
Sapagkat dalisay at walang bahid-dungis sa harapan ng Diyos, hindi sila makatitingin sa kasalanan maliban nang may pagkapoot, Alma 13:12 .
Magpakadalisay maging tulad ni Cristo na dalisay, Moro. 7:48 (Morm. 9:6 ).
Ilalaan ni Cristo sa kanyang sarili ang mga taong dalisay, D at T 43:14 .
Nag-atas ang Panginoon na magtayo ng isang bahay sa Sion kung saan ang mga dalisay ay makikita ang Diyos, D at T 97:10–17 .
Ito ang Sion—ang may dalisay na puso, D at T 97:21 .