Mga Tulong sa Pag-aaral
Pananampalataya


Pananampalataya

Pagtitiwala sa isang bagay o isang tao. Katulad ng pinakamadalas gamitin sa mga banal na kasulatan, ang pananampalataya ay matibay na paniniwala at pananalig kay Jesucristo na umaakay sa isang tao upang sumunod sa kanya. Kailangang ang pananampalataya ay nakatuon kay Jesucristo upang ito ang umakay sa isang tao tungo sa kaligtasan. Mayroon ding pananampalataya ang mga Banal sa mga huling araw sa Diyos Ama, Espiritu Santo, kapangyarihan ng pagkasaserdote, at iba pang mahahalagang bahagi ng pinanumbalik na ebanghelyo.

Sinasaklaw ng pananampalataya ang pag-asa sa mga bagay na hindi nakikita ngunit totoo (Heb. 11:1; Alma 32:21; Eter 12:6). Pinasiklab ang pananampalataya sa pamamagitan ng pakikinig sa ebanghelyo na ituro ng may mga karapatang tagapangasiwa na isinugo ng Diyos (Rom. 10:14–17). Hindi nagbubunga ang mga himala ng pananampalataya; subalit nahuhubog ang malakas na pananampalataya sa pagsunod sa ebanghelyo ni Jesucristo. Sa madaling salita, nagmumula ang pananampalataya sa kabutihan (Alma 32:40–43; Eter 12:4, 6, 12; D at T 63:9–12).

Nagdadala ang tunay na pananampalataya ng mga himala, pangitain, panaginip, pagpapagaling, at lahat ng kaloob ng Diyos na kanyang ibinibigay sa kanyang mga Banal. Sa pamamagitan ng pananampalataya, ang isa ay makatatamo ng kapatawaran ng mga kasalanan at sa malaon ay makapananahan sa kinaroroonan ng Diyos. Umaakay ang kawalan ng paniniwala sa isa patungo sa kawalan ng pag-asa, na dumarating dahil sa kasamaan (Moro. 10:22).

Print