Mga Tulong sa Pag-aaral
Pagpapanumbalik ng Ebanghelyo


Pagpapanumbalik ng Ebanghelyo

Pagtatatag muli ng Diyos ng mga katotohanan at ordenansa ng kanyang ebanghelyo sa gitna ng mga tao sa mundo. Nawala ang ebanghelyo ni Jesucristo sa mundo sa pamamagitan ng lubusang pagtalikod sa katotohanan na naganap kasunod ng pagmiministeryo ng mga Apostol ni Cristo sa lupa. Dahil sa lubusang pagtalikod na yaon sa katotohanan kinailangang mapanumbalik ang ebanghelyo. Sa pamamagitan ng mga pangitain, paglilingkod ng mga anghel, at paghahayag sa tao sa ibabaw ng lupa, pinanumbalik ng Diyos ang ebanghelyo. Ang pagpapanumbalik ay nagsimula sa Propetang si Joseph Smith (JS—K 1:1–75; D at T 128:20–21) at patuloy sa ngayon sa pamamagitan ng mga gawa ng mga buhay na propeta ng Panginoon.