Mga Tulong sa Pag-aaral
Jared, Kapatid ni


Jared, Kapatid ni

Isang propeta sa Aklat ni Mormon. Itinatag niya at ng kanyang kapatid ang bansang Jaredita nang pamunuan nila ang isang pangkat ng mga tao mula sa Tore ng Babel patungo sa lupang pangako sa pakanlurang bahagi ng mundo (Eter 1–6). Siya ay isang lalaking may malaking pananampalataya kaya nakausap niya ang Panginoon nang harapan (D at T 17:1). Nakatala ang kanyang kuwento sa aklat ni Eter.