Mga Tulong sa Pag-aaral
Hukom, Aklat ng mga


Hukom, Aklat ng mga

Isang aklat sa Lumang Tipan. Ang aklat ng mga Hukom ay may kaugnayan sa mga Israelita mula sa pagkamatay ni Josue hanggang sa pagsilang ni Samuel.

Ang mga kabanata 1–3 ay mga panimula sa buong aklat ng mga Hukom. Ipinaliliwanag ng mga yaon na dahil sa hindi itinaboy ng mga Israelita ang kanilang mga kaaway (Huk. 1:16–35), kailangang pagdusahan ng mga Israelita ang mga ibubunga nito, pagkawala ng pananampalataya, mga pagpapakasal sa mga hindi naniniwala, at pagsamba sa mga diyus-diyusan. Isinasalaysay sa mga kabanata 3–5 ang mga karanasan nina Debora at Barac, na siyang mga nagligtas sa Israel mula sa mga Canaanita. Ang mga kabanata 6–8 ay mga karanasan ni Gedeon na nakapagpapatibay ng pananampalataya, na siyang binasbasan ng Panginoon upang magligtas sa Israel mula sa mga Madianita. Sa mga kabanata 9–12, iba’t ibang kalalakihan ang naglingkod bilang mga hukom sa Israel, na ang karamihan ay noong panahon ng lubusang pagtalikod sa katotohanan at sa ilalim ng pang-aapi. Nasasaad sa mga kabanata 13–16 ang tungkol sa pagbangon at pagbagsak ng huling hukom na si Samson. Ang mga huling kabanata, 17–21, ay maaaring mailarawan bilang isang apendise na nagbubunyag ng kalaliman ng mga kasalanan ng Israel.