Mga Tulong sa Pag-aaral
Ruth


Ruth

Sa Lumang Tipan, ang Moabitang manugang na babae nina Noemi at Elimelech, na mga Israelita. Pagkaraan ng pagkamatay ng kanyang asawa, nagpakasal si Ruth sa kamag-anak ni Noemi na si Boaz. Ang kanilang anak na si Obed ang ninuno nina David at Cristo. Ang pagbabalik-loob ng isang di Israelita sa kawan ng Israel ay magandang inilarawan sa kasaysayan ni Ruth. Isinuko ni Ruth ang dati niyang dinidiyos at dating pamumuhay upang makiisa sa sambahayan ng pananampalataya sa pagsisilbi sa Diyos ng Israel (Ruth 1:16).

Ang aklat ni Ruth

Inilalarawan ng kabanata 1 ang buhay ni Elimelech at ng kanyang mag-anak sa Moab. Pagkaraan ng pagkamatay ng kanilang mga asawa, sina Noemi at Ruth ay nagtungo sa Betlehem. Ipinaliliwanag ng kabanata 2 na si Ruth ay namulot sa bukirin ni Boaz. Nasasaad sa kabanata 3 kung paano tinuruan ni Noemi si Ruth na magtungo sa giikan at dumapa sa mga paanan ni Boaz. Sa kabanata 4 ang pagpapakasal ni Ruth kay Boaz. Nagkaroon sila ng anak na lalaki, si Obed, kung kaninong angkan sina David at Cristo ay nanggaling.