Mga Tulong sa Pag-aaral
Oseas


Oseas

Isang propeta sa Lumang Tipan na nagpropesiya sa hilagang kaharian ng Israel sa mga huling araw ng paghahari ni Jeroboam II. Nabuhay siya sa panahon ng pagbagsak at pagkawasak ng bansa, ang bunga ng pagkakasala ng Israel.

Ang aklat ni Oseas

Ang pag-ibig ng Diyos sa kanyang mga tao ang pangunahing paksa ng aklat. Ipinapataw ang lahat ng kanyang mga pagpaparusa nang may pag-ibig, at ang panunumbalik ng Israel ay dahil sa kanyang pag-ibig (Os. 2:19; 14:4). Sa kabaliktaran, ipinakikita ni Oseas ang kataksilan ng Israel at kawalan ng paniniwala. Subalit hinihintay pa rin ng Diyos ang kahuli-hulihang pagtubos sa Israel (Os. 11:12–14:9).