Mga Tulong sa Pag-aaral
Opisyal na Pahayag—2


Opisyal na Pahayag—2

Isang doktrinal na pahayag hinggil kung sino ang maaaring humawak ng pagkasaserdote ng Panginoon, ngayon ay nakasulat sa huling mga pahina ng Doktrina at mga Tipan. Sa mga unang araw ng Hunyo 1978, ipinahayag ng Panginoon kay Pangulong Spencer W. Kimball na ang pagkasaserdote ay maaaring ibigay sa lahat ng karapat-dapat na lalaking kasapi ng Simbahan. Pinapangyari nito na ang pagkasaserdote ay makamtan ng lahat ng karapat-dapat na kalalakihan at mga pagpapala sa templo ay makamtan ng lahat ng karapat-dapat na kasapi, anuman ang lahi o kulay. Noong Setyembre 30, 1978, ang pahayag na ito ay ibinigay sa pangkalahatang pagpupulong ng Simbahan at buong pagkakaisang tinanggap.