Mga Tulong sa Pag-aaral
Pagkupkop


Pagkupkop

Dalawang uri ng pagkupkop ang nababanggit sa mga banal na kasulatan.

(1) Ang isang tao na hindi kabilang sa lahi ng mga Israelita ay nagiging kasapi ng mag-anak ni Abraham at ng sambahayan ni Israel sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pananampalataya kay Jesucristo, nagsisisi, pagpapabinyag sa pamamagitan ng paglubog, at pagtanggap sa Espiritu Santo (2 Ne. 31:17–18; D at T 84:73–74; Abr. 2:6, 11).

(2) Lahat ng nakatanggap ng mga makapagliligtas na ordenansa ng ebanghelyo ay nagiging mga anak na lalaki at babae ni Jesucristo sa pamamagitan ng patuloy na pagsunod sa kanyang mga kautusan (Rom. 8:15–17; Gal. 3:24–29; 4:5–7; Mos. 5:7–8).