Mga Tulong sa Pag-aaral
Ruben


Ruben

Sa Lumang Tipan, ang panganay na anak nina Jacob at Lea (Gen. 29:32; 37:21–22, 29; 42:22, 37). Bagaman si Ruben ang panganay, nawala niya ang kanyang pagkapanganay dahil sa kasalanan (Gen. 35:22; 49:3–4).

Ang lipi ni Ruben

Ang pagbabasbas ni Jacob kay Ruben ay matatagpuan sa Genesis 49:3 at Deuteronomio 33:6. Ang bilang ng lipi ay unti-unting nabawasan, at bagaman ang lipi ay patuloy na umiiral, ito’y naging di gaanong mahalaga sa pamahalaan. Ang pagkapanganay ni Ruben ay napasa kay Jose at sa kanyang mga anak sapagkat si Jose ang panganay na anak ng pangalawang asawa ni Jacob, si Raquel (1 Cron. 5:1–2).