Mga Tulong sa Pag-aaral
Levitico


Levitico

Isang aklat sa Lumang Tipan na nagsasaad ng mga pangsaserdoteng tungkulin sa Israel. Binibigyang-diin nito ang kabanalan ng Diyos at ang alituntunin kung saan ang kanyang mga tao ay maaaring mabuhay upang maging banal. Layunin nito ang ituro ang mga alituntuning pangmoral at katotohonang pangrelihiyon ng mga batas ni Moises sa pamamagitan ng mga rituwal. Isinulat ni Moises ang aklat na Levitico.

Ipinaliliwanag sa mga kabanata 1–7 ang mga ordenansa ng paghahain. Inilalarawan sa mga kabanata 8–10 ang rituwal na sinusunod sa paglalaan ng mga saserdote. Ipinaliliwanag sa kabanata 11 ang maaari at hindi maaaring kainin at kung ano ang malinis at madumi. Isinasalaysay sa kabanata 12 ang mga babae pagkatapos nilang magsilang. Ang mga kabanata 13–15 ay mga batas na tungkol sa seremonyal na karumihan. Naglalaman ang kabanata 16 ng rituwal na ginagawa sa Araw ng Pagbabayad-sala. Naglalaman ang mga kabanata 17–26 ng isang alituntunin ng mga batas ukol sa pangrelihiyon at lipunang pagdiriwang. Ipinaliliwanag sa kabanata 27 na ipinag-uutos ng Panginoon sa Israel na ilaan ang kanilang mga tanim, tupahan, at bakahan sa Panginoon.