Mga Tulong sa Pag-aaral
Pagbabagong-anyo


Pagbabagong-anyo

Ang kalagayan ng mga tao na panandaliang nagbago sa kaanyuan at kalikasan—gayon nga, itinaas sa isang mataas na antas ng espirituwalidad—nang sa gayon magtagal sila sa harapan at kaluwalhatian ng mga makalangit na tao.

Pagbabagong-anyo ni Cristo

Nakita nina Pedro, Santiago, at Juan ang Panginoon na niluwalhati at nagbagong-anyo sa harapan nila. Bago pa man nangako ang Tagapagligtas na matatanggap ni Pedro ang mga susi ng kaharian ng langit (Mat. 16:13–19; 17:1–9; Mar. 9:2–10; Lu. 9:28–36; 2 Ped. 1:16–18). Sa mahalagang pangyayaring ito, ang Tagapagligtas, si Moises, at Elias (Elijah) ay ibinigay ang pangakong mga susi ng pagkasaserdote kina Pedro, Santiago, at Juan. Sa pamamagitan ng mga susi ng pagkasaserdote, may kapangyarihan ang mga Apostol na ipagpatuloy ang gawain ng kaharian pagkatapos ng P-akyat sa langit ni Jesus.

Itinuro ni Joseph Smith na sa bundok ng pagbabagong-anyo, sina Pedro, Santiago, at Juan ay nagbagong-anyo rin. Nakakita sila ng isang pangitain na ukol sa mundo sa maluwalhati nitong kalagayan sa darating na panahon (D at T 63:20–21). Nakita nila sina Moises at Elijah, ang dalawang taong nagbagong-anyo, at narinig ang tinig ng Ama. Winika ng Ama, “Ito ang pinakamamahal kong Anak, na siya kong kinalulugdan; pakinggan ninyo siya” (Mat. 17:5).

Mga taong nagbagong-anyo