Mga Tulong sa Pag-aaral
Mataas na Saserdote


Mataas na Saserdote

Isang tungkulin sa pagkasaserdote. Binabanggit ng mga banal na kasulatan ang tungkol sa “mataas na saserdote” sa dalawang kahulugan: (1) ang tungkulin sa Pagkasaserdoteng Melquisedec; at (2) sa ilalim ng mga batas ni Moises, ang namumunong pamunuan ng Pagkasaserdoteng Aaron.

Ipinatutungkol ang unang kahulugan kay Jesucristo bilang ang dakilang Mataas na Saserdote. Si Adan at ang lahat ng patriyarka ay mataas na saserdote rin. Ngayon, binubuo ng tatlong namumunong mataas na saserdote ang Panguluhan ng Simbahan at namumuno sa lahat ng iba pang may mga hawak ng pagkasaserdote at sa mga kasapi ng Simbahan. Karagdagang mga karapat-dapat na lalaki ay inordenang mataas na saserdote na akma sa buong Simbahan ngayon. Maaaring tawagin, italaga at iordenan ang matataas na saserdote bilang mga obispo (D at T 68:19; 107:69–71).

Sa pangalawang kahulugan, sa ilalim ng mga batas ni Moises, tinawag na mataas na saserdote ang namumunong pamunuan ng Pagkasaserdoteng Aaron. Minamana ang tungkulin at nanggagaling sa panganay sa mag-anak ni Aaron, si Aaron din ang unang mataas na saserdote ng orden ng Aaron (Ex. 28; 29; Lev. 8; D at T 84:18).