Tulad ng pagkakagamit sa mga banal na kasulatan, ang isang mag-anak ay binubuo ng isang mag-asawa, mga anak, at minsan iba pang mga kamag-anak na nakatira sa bahay ding iyon o nasasailalim ng isang pinuno ng mag-anak. Maaari ring ang isang pamilya ay binubuo ng isang magulang na may mga anak, isang mag-asawa na walang mga anak, o maaari ring maging isang tao na naninirahang mag-isa.
Sa iyo ang lahat ng mag-anak sa mundo ay pagpapalain, Gen. 12:3 (Gen. 28:14 ; Abr. 2:11 ).
Ako ang magiging Diyos ng lahat ng mag-anak ni Israel, Jer. 31:1 .
Ang iyong kaluwalhatian ay isang pagpapatuloy ng mga binhi magpakailanman, D at T 132:19 .
Pagkakalooban ko siya ng mga putong ng mga buhay na walang hanggan sa mga walang hanggang daigdig, D at T 132:55 .
Ang pagbubuklod ng mga anak sa mga magulang ay bahagi ng dakilang gawain sa kaganapan ng panahon, D at T 138:48 .
Lalaki at babae ay nilalang ko sila, at sinabi sa kanila: Maging palaanakin kayo, at magpakarami, Moi. 2:27–28 .
Hindi mabuti na ang lalaki ay mag-isa, Moi. 3:18 .
Magkasamang nagpagal sina Adan at Eva, Moi. 5:1 .
Mga tungkulin ng mga magulang
Uutusan ni Abraham ang kanyang mga anak, at iingatan nila ang daan ng Panginoon, Gen. 18:17–19 .
Ituro ninyo nang masigasig ang mga salitang ito sa inyong mga anak, Deut. 6:7 (Deut. 11:19 ).
Siya na nagmamahal sa kanyang anak ay nagpaparusa sa kanya paminsan-minsan, Kaw. 13:24 (Kaw. 23:13 ).
Turuan ang isang anak sa daang kanyang patutunguhan, Kaw. 22:6 .
Masayang mamumuhay kasama ang asawa na iyong iniibig, Ec. 9:9 .
Tuturuan ng Panginoon ang lahat ng iyong anak, Is. 54:13 (3Â Ne. 22:13 ).
Palakihin sila sa pangangalaga ng Panginoon, Ef. 6:1–4 (Enos 1:1 ).
Kung sinuman ang hindi maglaan para sa kanyang sarili, ikinakaila niya ang pananampalataya, 1Â Tim. 5:8 .
Kanyang pinayuhan sila lakip ang lahat ng damdamin ng isang nagmamahal na magulang, 1Â Ne. 8:37 .
Nangungusap tayo tungkol kay Cristo upang malaman ng ating mga anak kung kanino sila aasa, 2Â Ne. 25:26 .
Mahal ng mga ama at ina ang kanilang mga anak, Jac. 3:7 .
Turuan silang mahalin ang bawat isa at paglingkuran ang bawat isa, Mos. 4:14–15 .
Ipagtanggol ang inyong mga mag-anak maging hanggang sa pagdanak ng dugo, Alma 43:47 .
Manalangin sa inyong mga mag-anak nang ang inyong mga asawa at inyong mga anak ay pagpalain, 3Â Ne. 18:21 .
Dapat ituro ng mga magulang ang ebanghelyo sa kanilang mga anak, D at T 68:25 .
Tungkulin ng bawat tao na maglaan para sa kanyang sariling mag-anak, D at T 75:28 .
Lahat ng anak ay may karapatan sa kanilang mga magulang, D at T 83:4 .
Palakihin ang inyong mga anak sa liwanag at katotohanan, D at T 93:40 .
Ayusin ang sarili ninyong sambahayan, D at T 93:43–44, 50 .
Dapat mahikayat ng mga nagtataglay ng pagkasaserdote ang iba sa pamamagitan lamang ng hindi pakunwaring pag-ibig, D at T 121:41 .
Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina, Ex. 20:12 .
Anak ko, pakinggan ang tagubilin ng iyong ama, Kaw. 1:8 (Kaw. 13:1 ; 23:22 ).
Napasailalim si Jesus sa kanyang mga magulang, Lu. 2:51 .
Ginawa ni Jesus ang kalooban ng kanyang Ama, Juan 6:38 (3Â Ne. 27:13 ).
Sundin ang inyong mga magulang sa Panginoon, Ef. 6:1 (Col. 3:20 ).
Mag-anak na walang hanggan
Ipinahahayag sa Doktrina at mga Tipan ang walang hanggang likas na pagkakaugnay ng pagpapakasal at ng mag-anak. Ang kasal na Selestiyal at isang pagpapatuloy ng mag-anak ay makatutulong sa mga asawang lalaki at mga asawang babae na maging mga diyos (D at T 132:15–20 ).