Mga Tulong sa Pag-aaral
Joel


Joel

Isang propeta sa lupain ng Juda sa Lumang Tipan. Hindi matiyak ang panahon ng kanyang buhay—nabuhay siya marahil sa pagitan ng panahon ng paghahari ni Joas, bago noong 850 B.C., at ang pagbabalik ng lipi ni Juda mula sa pagkabihag sa Babilonia.

Ang aklat ni Joel

Natatampok sa aklat ang propesiya na ibinigay ni Joel matapos bagabagin ang lupain ng Juda ng masidhing tagtuyot at ng mga balang (Joel 1:4–20). Tiniyak ni Joel sa mga tao na sa pamamagitan ng pagsisisi makatatanggap silang muli ng pagpapala ng Diyos (Joel 2:12–14).

Ang kabanata 1 ay pagtawag para sa isang dakilang pagpupulong sa bahay ng Panginoon. Nasasaad sa kabanata 2 ang digmaan at kapanglawan na mauuna sa Milenyo. Nasasaad sa kabanata 3 ang tungkol sa mga huling araw at sinabi na tunay na magkakaroon ng digmaan sa lahat ng bansa subalit pagkatapos mananahanan ang Panginoon sa Sion.

Binanggit ni Pedro ang propesiya ni Joel na pagbubuhos ng Espiritu sa araw ng Pentecostes (Joel 2:28–32; Gawa 2:16–21). Binanggit din ng anghel na si Moroni ang gayon ding sipi kay Joseph Smith (JS—K 1:41).