Mga Tulong sa Pag-aaral
Lucifer


Lucifer

Ang pangalan ay nangangahulugang Ang Kumikinang o Nagdadala ng Liwanag. Siya ay kilala rin bilang Anak ng Umaga. Si Lucifer ay isang espiritung anak ng Ama sa Langit at namuno sa himagsikan sa buhay bago pa ang buhay na ito. Ang pangalang Lucifer ay minsan lamang lumabas sa Biblia (Is. 14:12). Ang paghahayag sa huling araw ay nagbibigay ng mas detalyadong paglalarawan ng pagkahulog ni Lucifer (D at T 76:25–29).