Mga Tulong sa Pag-aaral
Urim at Tummim


Urim at Tummim

Mga kagamitang inihanda ng Diyos upang tulungan ang tao sa pagkuha ng paghahayag at sa pagsasalin ng mga wika. Sa wikang Hebreo ang kahulugan ng mga salita ay “mga liwanag at kaganapan.” Ang Urim at Tummim ay binubuo ng dalawang bato na nasa mga balantok na pilak at kung minsan ginagamit kasama ng isang baluti sa dibdib (D at T 17:1; JS—K 1:35, 42, 52). Ang mundong ito ay magiging isang malaking Urim at Tummim sa kanyang pinabanal at walang kamatayang kalagayan (D at T 130:6–9).