Mga Tulong sa Pag-aaral
Egipto


Egipto

Isang bansa sa pahilagang-silangang dako ng Africa. Ang malaking bahagi ng Egipto ay tigang at napabayaan. Karamihan sa mga tao ay naninirahan sa Lambak ng Nile, na 890 kilometro ang haba.

Mayaman at sagana ang sinaunang Egipto. Malalaking gawaing-bayan ang nagawa, kabilang na ang mga kanal para sa patubig; matitibay na lunsod para sa pagtatanggol; at mararangyang bantayog, lalung-lalo na ang mga piramideng katakumba at templo, na hanggang ngayon ay kabilang sa mga hinahangaan sa daigdig. Sa sumandaling panahon ang pamahalaang Egipto ay itinulad sa kaayusang patriyarkal ng pagkasaserdote (Abr. 1:21–27).