Mga Tulong sa Pag-aaral
Nephi, Anak ni Lehi


Nephi, Anak ni Lehi

Sa Aklat ni Mormon, isang mabuting anak nina Lehi at Saria (1 Ne. 1:1–4; 2:5). Si Nephi ay may malakas na pananampalataya sa salita ng Diyos (1 Ne. 3:7) at naging isang dakilang propeta, taga-ingat ng talaan, at pinuno ng kanyang mga tao.

Ang aklat ni 1

 Nephi: May malaking kaugnayan ang mga kabanata 1 hanggang 18:8 sa paglikas sa Jerusalem ni propetang Lehi at ng kanyang mag-anak. Naglakbay sila sa mga tigang na disyerto hanggang marating nila ang dagat. Nasasaad sa 1 Ne. 18:9–23 ang kanilang paglalayag patungo sa lupang pangako, sa pamamatnubay ng Panginoon, sa kabila ng paghihimagsik nina Laman at Lemuel. Nasasaad sa mga kabanata 19–22 ang layunin ni Nephi sa pag-iingat ng mga talaan (1 Ne. 6:1–6; 19:18)—upang himukin ang lahat na alalahanin ang Panginoon nilang Manunubos. Binanggit niya si Isaias (1 Ne. 20–21) at binigyan-kahulugan ang mga pahatid ni Isaias, sa pag-asang ang lahat ay lalapit upang kilalanin si Jesucristo bilang kanilang Tagapagligtas at Manunubos (1 Ne. 22:12).

Ang aklat ni 2

 Nephi: Naglalaman ang mga kabanata 1–4 ng ilan sa huling mga turo ni Lehi at mga propesiya bago siya namatay, kabilang ang mga pagbabasbas sa kanyang mga anak at sa kanilang mga inapo. Ipinaliliwanag sa kabanata 5 kung bakit inihiwalay ng mga Nephita ang kanilang sarili sa mga Lamanita. Nagtayo ang mga Nephita ng isang templo, nagturo ng mga batas ni Moises, at nag-ingat ng mga talaan. Naglalaman ang mga kabanata 6–10 ng mga salita ni Jacob, ang nakababatang kapatid ni Nephi. Sinuring muli ni Jacob ang kasaysayan ng Juda at nagpropesiya hinggil sa Mesiyas, ang ilan sa mga yaon ay hinango mula sa mga isinulat ni propetang Isaias. Nagtala sa mga kabanata 11–33 si Nephi ng kanyang patotoo kay Cristo, ng patotoo ni Jacob, ng mga propesiya sa mga huling araw, at ilang mga kabanata mula sa aklat ni Isaias sa Lumang Tipan.

Lamina ni Nephi, Mga: Tingnan sa

Lamina, Mga