Isang pangyayari o karanasan na ibinibigay ng Diyos sa mga tao upang ipakita na may mahalagang nangyari o mangyayari sa kanyang gawa. Sa mga huling araw, maraming palatandaan tungkol sa ikalawang pagparito ng Tagapagligtas ang iprinopesiya. Ang mga tandang ito ay nagbibigay sa matatapat na tao na makilala nila ang plano ng Diyos, bigyan ng babala, at makapaghanda.
Ang bundok ng bahay ng Panginoon ay matatayo sa taluktok ng mga bundok, Is. 2:2–3 .
Magtataas ang Panginoon ng isang sagisag at titipunin ang Israel, Is. 5:26 (2 Ne. 15:26–30 ).
Ang araw ay magdidilim at hindi pasisilangin ng buwan ang kanyang liwanag, Is. 13:10 (Joel 3:15 ; D at T 29:14 ).
Sinalangsang ng mga tao ang kautusan at sinira ang walang hanggang tipan, Is. 24:5 .
Ang mga Nephita ay mangungusap sa wari ay tinig mula sa alabok, Is. 29:4 (2Â Ne. 27 ).
Titipunin ang Israel sa kapangyarihan, Is. 49:22–23 (1 Ne. 21:22–23 ; 3 Ne. 20–21 ).
Maglalagay ang Diyos ng isang kaharian na hindi magigiba, Dan. 2:44 (D at T 65:2 ).
Digmaan, mga panaginip, at pangitain ang mauuna sa Ikalawang Pagparito, Joel 2 .
Pipisanin ang lahat ng bansa laban sa Jerusalem sa pagbabaka, Zac. 14:2 (Ez. 38–39 ).
Ang araw ay dumarating na nagniningas na parang hurno, Mal. 4:1 (3 Ne. 25:1 ; D at T 133:64 ; JS—K 1:37 ).
Malalaking kapighatian ang mangunguna sa Ikalawang Pagparito, Mat. 24 (JS—M 1 ).
Inilarawan ni Pablo ang lubusang pagtalikod at katapus-tapusan sa mga huling araw, 2 Tim. 3–4 .
Dalawang propeta ang papaslangin at mabubuhay na mag-uli sa Jerusalem, Apoc. 11 (D at T 77:15 ).
Ipanunumbalik ang ebanghelyo sa huling araw sa pamamagitan ng paglilingkod ng anghel, Apoc. 14:6–7 (D at T 13 ; 27 ; 110:11–16 ; 128:8–24 ).
Itatayo at babagsak ang Babilonia, Apoc. 17–18 .