Mga Tulong sa Pag-aaral
Filisteo, Mga


Filisteo, Mga

Sa Lumang Tipan, isang lipi na talagang nagmula sa Caphtos (Amos 9:7) at tumira sa mayamang kapatagan sa baybay ng Mediterania mula sa Joppe hanggang sa disyerto ng Egipto bago pa noong kapanahunan ni Abraham (Gen. 21:32). Sa loob ng maraming taon ay may paghahamok-militar sa pagitan ng mga Filisteo at Israelita. Kalaunan ang Palestina, na pangalan ng lupain ng Filisteo, ay naging kilalang pangalan para sa buong Banal na Lupain.