Mga Tulong sa Pag-aaral
Jarom


Jarom

Sa Aklat ni Mormon, ang anak ni Enos at kaapu-apuhan ni Lehi. Iningatan niya ang mga talaan ng mga Nephita sa loob ng animnapung taon, 420–361 B.C. (Enos 1:25; Jar. 1:13). Siya ay isang matapat na lalaki na piniling hindi magsulat ng marami sa talaang pangkasaysayan (Jar. 1:2).

Ang aklat ni Jarom

Mayroon lamang labinlimang talata ang aklat na ito sa Aklat ni Mormon. Itinala ni Jarom na patuloy ang mga Nephita sa pagsunod sa mga batas ni Moises at umaasa sa pagparito ni Cristo. Pinamunuan sila ng mga hari na mga makapangyarihang lalaki sa pananampalataya. Umuunlad sila kapag pinakikinggan nila ang kanilang mga propeta, saserdote, at guro.