Mga Tulong sa Pag-aaral
Tito, Sulat Kay


Tito, Sulat Kay

Habang si Pablo ay pansamantalang nakalaya mula sa pagbibilanggo ng Romano, isinulat niya ang sulat kay Tito, na nasa Creta. Ang liham ay halos naglalaman ng mga katanungang nauugnay sa disiplinang panloob at sa samahan ng Simbahan.

Nilalaman sa kabanata 1 ang pagbati ni Pablo gayon din ang mga tagubilin at pangkalahatang katangian ng mga obispo. Nilalaman sa mga kabanata 2–3 ang mga pangkalahatang pagtuturo at personal na habilin kay Tito hinggil sa pakikitungo ng iba’t ibang pangkat sa Simbahan ng Creta. Hinikayat ni Pablo ang mga Banal na paglabanan ang kasamaan, maging mahinahon at matapat, at panatilihin ang mabubuting gawa.