Husto, buo, at lubos na umunlad; lubos na matwid. Ang ganap ay maaaring mangahulugan din na walang sala o kasamaan. Si Cristo lamang ang lubos na ganap. Ang mga tunay na tagasunod ni Cristo ay maaaring maging ganap sa pamamagitan ng kanyang biyaya at Pagbabayad-sala.
Kayo samakatwid ay magpakaganap na gaya ng inyong Ama sa langit, Mat. 5:48 (3Â Ne. 12:48 ).
Kung ang sinuman ay hindi natitisod sa salita, siya rin ay isang taong ganap, Sant. 3:2 .
Ang pananampalataya ay hindi magkaroon ng ganap na kaalaman sa mga bagay, Alma 32:21, 26 .
Ginawa ang Pagbabayad-sala nang ang Diyos ay maging ganap na Diyos, Alma 42:15 .
Si Moroni ay isang taong may ganap na pang-unawa, Alma 48:11–13, 17–18 .
Ang Espiritu ni Cristo ay ibinibigay sa bawat tao upang hatulan at malaman nang may ganap na kaalaman kung ang isang bagay ay sa Diyos o sa diyablo, Moro. 7:15–17 .
Lumapit kay Cristo at maging ganap sa kanya, Moro. 10:32 .
Magpatuloy sa pagtitiis hanggang sa ikaw ay maging ganap, D at T 67:13 .
Sila ang mga yaong makatarungang tao na naging ganap sa pamamagitan ni Jesus, D at T 76:69 .
Ang mga katungkulan sa simbahan ay para sa pagpapaganap sa mga banal, D at T 124:143 (Ef. 4:11–13 ).
Ang mga buhay ay hindi magiging ganap kung wala ang kanilang mga patay, D at T 128:15, 18 .