Mga Tulong sa Pag-aaral
Mesach


Mesach

Sa Lumang Tipan, sina Sadrach, Mesach, at Abed-nego ay tatlong kabataang Israelita na kasama ni Daniel, na dinala sa palasyo ni Nabucodonosor, hari ng Babilonia. Ang pangalan ni Mesach sa Hebreo ay Mishael. Ang apat na binata ay tumangging dumihan ang kanilang sarili sa pagkain ng karne at alak ng hari (Dan. 1). Sina Sadrach, Mesach, at Abed-nego ay itinapon sa nagniningas na hurno ng hari at iniligtas ng Anak ng Diyos (Dan. 3).