Ang bumuo. Ang Diyos, kumikilos sa pamamagitan ng kanyang Anak na si Jesucristo, ay bumuo ng mga elemento ng kalikasan upang mag-anyo ng mundo. Nilikha ng Ama sa Langit at ni Jesus ang tao alinsunod sa kanilang larawan (Moi. 2:26–27 ).
Sa simula, nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa, Gen. 1:1 .
Lalangin natin ang tao sa ating larawan, Gen. 1:26 (Moi. 2:26–27 ; Abr. 4:26 ).
Lahat ng bagay ay ginawa sa pamamagitan niya, Juan 1:3, 10 .
Sa pamamagitan niya ang lahat ng bagay ay nalikha na nasa langit, Col. 1:16 (Mos. 3:8 ; Hel. 14:12 ).
Ginawa ng Diyos ang mga daigdig sa pamamagitan ng kanyang Anak, Heb. 1:2 .
Nilikha ni Jesucristo ang langit at ang lupa, D at T 14:9 .
Kanyang nilikha ang tao, lalaki at babae, ayon sa sarili niyang larawan, D at T 20:18 .
Mga daigdig na di mabilang ang aking nilikha, Moi. 1:33 .
Sa pamamagitan ng aking Bugtong na Anak ay aking nilikha ang langit, Moi. 2:1 .
Ako, ang Panginoong Diyos, ang lumikha ng lahat ng bagay, sa espiritu, bago ang mga ito ay naging likas sa balat ng lupa, Moi. 3:5 .
Milyun-milyong mundo na tulad nito ay hindi magiging simula sa bilang ng inyong mga nilikha, Moi. 7:30 .
Binuo at hinubog ng mga Diyos ang kalangitan, Abr. 4:1 .