Mga Tulong sa Pag-aaral
Pagbabalik-loob, Nagbalik-loob


Pagbabalik-loob, Nagbalik-loob

Pagbabago ng isang tao ng kanyang paniniwala, nasasapuso, at buhay upang tanggapin at sundin ang kalooban ng Diyos (Gawa 3:19).

Kalakip ng pagbabalik-loob ang isang kusang pagpapasiya na tatalikdan ng isang tao ang mga dating nakagawian at magbabago upang maging disipulo ni Cristo. Nalulubos ang pagbabalik-loob dahil sa pagsisisi, pagpapabinyag para sa kapatawaran ng mga kasalanan, pagtanggap sa Espiritu Santo sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay, at patuloy na pananampalataya sa Panginoong Jesucristo. Ang isang likas na tao ay mababago sa isang bagong nilikha na pinabanal at dinalisay, isinilang na muli kay Cristo Jesus (2 Cor. 5:17; Mos. 3:19).