Ang nakalulugod na kapayapaan at kalayaan mula sa pagkabalisa at kaguluhan. Ipinangako ng Panginoon ang gayong kapahingahan sa kanyang matatapat na tagasunod sa buhay na ito. Inihanda rin niya ang isang dako ng kapahingahan para sa kanila sa buhay na susunod.
Magsilapit sa akin, kayong lahat na nangabibigatang lubha, at kayo’y aking pagpapahingahin, Mat. 11:28–29 .
Masigasig kaming gumagawa upang makapasok sila sa kanyang kapahingahan, Jac. 1:7 (Heb. 4:1–11 ).
Sinumang magsisisi ay papasok sa aking kapahingahan, Alma 12:34 .
Lubhang napakarami, silang pinadalisay, at pumasok sa kapahingahan ng Panginoon, Alma 13:12–16 .
Ang paraiso ay kalagayan ng pamamahinga, Alma 40:12 (Alma 60:13 ).
Walang sinuman ang makapapasok sa kanyang kapahingahan maliban sa mga yaong nahugasan ang mga kasuotan ng aking dugo, 3Â Ne. 27:19 .
Magpahayag ng pagsisisi sa mga taong ito, upang makapagpahingang kasama nila sa kaharian ng aking Ama, D at T 15:6 (D at T 16:6 ).
Sila na mga namatay ay mamamahinga mula sa kanilang mga gawa, D at T 59:2 (Apoc. 14:13 ).
Ang kapahingahan ng Panginoon ay kaganapan ng kanyang kaluwalhatian, D at T 84:24 .