Mga Tulong sa Pag-aaral
Tipang Abraham


Tipang Abraham

Natanggap ni Abraham ang ebanghelyo at inordenan sa nakatataas na pagkasaserdote (D at T 84:14; Abr. 2:11), at pumasok siya sa kasal na selestiyal, na siyang tipan ng kadakilaan (D at T 131:1–4; 132:19, 29). Natanggap ni Abraham ang isang pangako na lahat ng pagpapala ng mga tipang ito ay ihahandog sa kanyang mga inapo sa buhay na ito (D at T 132:29–31; Abr. 2:6–11). Magkakasama, ang mga tipan at pangakong ito ay tinatawag na tipang Abraham. Ang panunumbalik ng tipang ito ay panunumbalik ng ebanghelyo sa mga huling araw, sapagkat sa pamamagitan nito ay pagpapalain ang lahat ng bansa sa mundo (Gal. 3:8–9, 29; D at T 110:12; 124:58; Abr. 2:10–11).