Mga Tulong sa Pag-aaral
Samaria


Samaria

Sa Lumang Tipan, ang kabisera ng hilagang kaharian ng Israel (1 Hari 16:23–24). Dahil sa makapangyarihang pandigmaang katayuan nito sa tuktok ng burol, hindi ito mabihag ng mga taga-Asiria hanggang sa pagkaraan ng tatlong taong paglusob nito (2 Hari 17:5–6). Muli itong itinayo ni Herodes at tinawag itong Sebaste. Sa panahon ng Bagong Tipan, Samaria ang pangalan ng buong pangunahing distrito ng Palestina sa kanluran ng Jordan.