Mga Tulong sa Pag-aaral
Kamatayan, Pisikal na


Kamatayan, Pisikal na

Ang paghihiwalay ng katawan at ng espiritu. Ang Pagkahulog ay nagdala ng pagkamatay at kamatayan sa lupa, (2 Ne. 2:22; Moi. 6:48). Napagtagumpayan ng pagbabayad-sala ni Jesucristo ang kamatayan upang ang lahat ay mabuhay na mag-uli (1 Cor. 15:21–23). Ang pagkabuhay na mag-uli ay isang walang bayad na handog sa lahat ng tao maging sila man ay nakagawa ng mabuti o masama sa buhay na ito (Alma 11:42–44). Magdaranas ang bawat tao ng iisang kamatayang pisikal sa dahilang sa ating pagkabuhay na mag-uli, ang ating mga katawan ay hindi na muling mamamatay (Alma 11:45).