Mga Tulong sa Pag-aaral
Emmanuel


Emmanuel

Isa sa mga pangalan ni Jesucristo. Ito ay nanggaling sa mga salitang Hebreo na nangangahulugang “Nasa amin ang Diyos”.

Ang Immanuel ay isang pangalan-katawagang ibinigay bilang isang tanda ng pagliligtas ng Diyos (Is. 7:14). Ang pagtukoy ni Isaias kay Immanuel ay tiyakang kinilala ni Mateo bilang propesiya ng pagsilang ni Jesus sa buhay na ito (Mat. 1:18–25). Lumalabas din ang pangalan sa banal na kasulatan ng huling araw (2 Ne. 17:14; 18:8; D at T 128:22)